Dumalaw si VP Leni Robredo sa isang day-care center sa Tondo, Manila para basahan ang mga batang nag-aaral dito. Sa kanyang story telling program, binasa ni Robredo ang aklat na kulay dilaw, na may pamagat na “Digong Dilaw”.
May Kulay
Bagama’t maganda ang intensyon ng Bise Presidente na isulong ang pagbabasa lalo na sa kabataan, hindi maiiwasang malagyan ng “kulay” ang kanyang ginawang pagpili ng aklat na babasahin. Ang kulay ng aklat ay dilaw, at ang pamagat ng aklat ay “Digong Dilaw” na tila isang “wordplay” sa pangalan ni President Rodrigo “ Digong” Duterte. At alam naman ng karamihan na ang kulay dilaw ay opisyal na kulay ng Liberal Party na mahigpit na kritiko ng administrasyong Duterte.
Digong Dilaw
Ang aklat na pinamagatang Digong Dilaw ay isinulat ni Virgilio S. Almario at iginuhit naman para sa mga bata ng illustrator na si Nelson Cabrega. Ito ay tungkol sa batang si Digo, na mahilig sa kulay dilaw. Nagising siya isang araw na may angking kapangyarihan, ang baguhin ang kulay ng lahat ng bagay at gawin itong dilaw. Subalit masaya kaya ang mundo kung iisa lamang ang kulay nito?
Inulan Ng Batikos
Ang mismong titulo ng aklat ay nagbibigay na ng kulay at tila isang panunuya sa presidente, dagdan pa na ang magbabasa ay si VP Robredo, na alam naman ng lahat na isang bokal at mahigpit na kritiko ng pangulo, kung kaya’t marami ang umalma sa pagpili ng aklat na babasahin ng bise presidente.
Dahil sa kanyang pagbabasa ng nasabing aklat, umani si VP Robredo ng mga batikos mula sa netizens. May mga nagsabi na hindi dapat isali ni Robredo ang mga bata sa kanyang pamumulitika. May ilan ding nagsabi na hindi dapat pinayagan ng eskwelahan na gamitin sila ng mga politiko para sa kanilang pulitikal na propaganda.
Sinabi ng isang netizen na kung talagang wagas ang kanyang intensyon na turuan ang kabataan, hindi na kailangan pang isapubliko ang kanyang pagdalaw at walang photo op at press na kasama.
No comments:
Post a Comment